80

By

CHR mag-iimbestiga sa pagpatay sa Misamis Occidental town mayor

Hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) ang agaran at masusing imbestigasyon sa nangyaring pananambang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa Cebu City.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, isa sa mga titingnang anggulo ng ahensya ay ang drug-related killing dahil sa pagkakasama ni Navarro sa inilabas ni Pangulong Duterte na listahan ng narco-politicians.

Aniya, gumugulong na rin ang sariling imbestigasyon ng CHR Regional Office X.

Dagdag pa ni Pimentel-Gana, hindi man nito kinakatigan ang umano’y pambubugbog ni Navarro sa isang massage therapist, hindi maja-justify ng insidente ang pagkamatay ng alkalde.

Biyernes nang tambangan si Navarro habang sakay ng police mobile papuntang Cebu City Prosecutor’s Office para sumailalim sa inquest proceedings para sa kasong physical injury at acts of lasciviousness matapos umanong mambugbog ng lalaking masahista at hingan ng sexual favor ang isang babaeng masahista.

Nanindigan ang pulisyang siniguro nila ang kaligtasan ng alkalde pero mabilis ang mga pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?