91
CHR binakbakan ni Duterte sa teenager na namatay sa Sinulog Festival
By

CHR binakbakan ni Duterte sa teenager na namatay sa Sinulog Festival

Humihingi ng hustisya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng teenager na namatay sa Sinulog Festival na hinihinalang dahil sa drug overdose.

Sinabi ng Pangulo na nakipagkita sa kanyang tanggapan noong Biyernes ang pamilya ng biktimang si Ashley Abad para humiling ng hustisya sa pagkamatay ng anak.

Pinuna ng Pangulo ang human rights groups dahil wala man lang ginawa para tulungan ang pamilya ng biktima at iba pang biktima ng iligal na droga.

“Yung kay Ashley, yung bata na namatay, her parents went there sa opisina ko. Kaganda ng bata, 19 years old, medical student. Ang human rights wala akong narinig sa mga p*t*ng i*a*g yan. Ilang pamilya yan matatamaan? Ilang tao sa isang pamilya?,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na maraming buhay ang nasisira dahil sa iligal na droga kaya’t hindi ito titigil sa kampanya hangga’t hindi nalilinis ang bansa sa iligal na droga.

Hinihinala ng mga awtoridad na nakainom ng party drugs si Abad matapos dumalo sa Sinulog party sa Cebu kaya’t ito ngayon ang iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Muling nagbanta ang Pangulo na hahabulin at uubusin niya ang mga ito.

“Sabihin ko sa inyo ngayon and I’ve been repeating it all along. Do not destroy my country lalo na sa panahon ko. Do not destroy our children and pur daughters,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?