168

By ,

Chooks-to-Go 3×3: Pasig, 1Bataan pasok sa quarterfinals

Lusot na sa quarterfinals ng Chooks-to-Go Asia Pacific Super Quest ang dalawang pambato ng Pilipinas na Pasig Grindhouse Kings at 1Bataan Risers.

Pinangunahan ni Taylor Statham ang Kings sa pagnakaw ng 21-15 panalo kontra Absolute 3×3 ng Chinese Taipei para maghari sa Pool C ng torneo ngayong Sabado sa SM Megamall Fashion Hall.

Rumehistro 10 puntos ang 6-foot-6 na si Statham habang umayuda naman ng tig-apat na puntos sina Nikola Pavlovic at Joshua Munzon habang may tatlong puntos naman si Troy Rike.

“Honestly, it’s a testament to who we are as people off the court. We’re all very close,” sabi ni Statham. Makakaharap ng Pasig sa quarters ang TSV Reading Cinema ng Australia sa Linggo ng ala-una ng hapon sa parehong venue.

Samantala, nagkasya na lamang sa ikalawang pwesto sa Pool B ang 1Bataan Risers matapos silang padapain ng Tokyo Dime.exe ng Japan, 17-21.

Hindi sapat ang 10 puntos na pinoste ni Travis Franklin sa Risers nang sinagot ng siyam na puntos ng top Japanese 3×3 player na si Tomoya Ochiai habang tumapos din ng anim na puntos si Keita Suzuki para ibaon ang 1Bataan.

Bitbit ng Risers ang 1-1 na kartada at makakaharap sa quarters ang SSLC mula sa China, 12:20 ng tanghali sa parehong venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?