24

Feb 13, 2020 @ 17:08
By

Choice niya ‘yon! Imee Marcos dinepensa si Duterte sa pagbasura ng VFA

Pinagtanggol ni Senadora Imee Marcos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbasura nito sa Visiting Forces Agreement sa Estados Unidos.

Ayon kay Marcos, wala namang masama sa pagbasura ni Duterte sa VFA dahil may hawak naman nito ang foreign policy ng Pilipinas.

“As long as it does not violate the constitution, the president has free hand in foreign policy,” ayon kay Marcos.

Aniya pa, dapat ay tumingin na ang gobyerno sa ibang bansa tulad ng mga karatig na Asian country tulad ng Singapore, Thailand at Indonesia para makaalyansa pagdating sa military services.

“Kumbidahin nating lahat. At talagang paigtingin ang ating relations with our neighbors. Kung mag-iiwan sila ng equipment, OK din yon,” saad pa.

“Para sa akin, ang importante is looking forward. Perhaps, in a way, this is consistent with the President’s effort to hew an independent foreign policy. May pride din naman sa Pilipinas yan na independent na tayong totoo. Pero yung independent, hindi naman ibig sabihin na nag-iisa ka, walang kaibigan. Hindi naman puwede yon.”

Aniya pa, hindi naman umano tumulong ang mga Kano noong magkaroon ng agawan sa Scarborough Shoal kontra China kaya tama lang na ibasura ang VFA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?