127

By

Chiz Escudero panalong gobernador ng Sorsogon

Wagi si outgoing Senator Chiz Escudero sa gubernatorial race sa lalawigan ng Sorsogon.

Iprinoklama na ng Commission on Elections ang pagkanalo ng naturang Senador.

Nakakuha si Escudero ng 303,960 boto habang ang kaniyang kalaban na si Bladi Frivaldo ay nakakuha ng 31,867 na mga boto ayon sa election returns na itrinansmit mula sa lahat ng 768 clustered precincts sa lalawigan.

Matatapos ang termino ni Escudero sa pagka-senador sa darating na Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?