537

By

Chito, Neri lumikas sa kanilang bahay sa Cavite

Kabilang ang pamilya ng Parokya ni Edgar frontliner na si Chito Miranda sa mga naapektuhan sa pagputok ng bulkan.

Nakatira sa Alfonso, Cavite sina Chito at Neri Naig.

Sa Instagram post ni Chito ng mga face mask, nalaman ng kanyang mga follower na lumikas na ito sa kanilang tirahan.

Pero tiniyak ng singer na nasa maganda silang estado ng kanyang pamilya.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng nangamusta, nag-offer ng tulong, umasikaso, nag-alaga, at kumupkop sa pamilya namin. Kilala nyo kung sino kayo!

“Wag kayong mag-alala, sobrang safe at comfortable kami ng family ko. Maraming mas nangangailangan ng tulong kesa sa amin. Wag nyo kaming problemahin,” sabi ni Chito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?