51
Babaeng escort timbog sa panghuhuthot sa banyaga
Jul 30, 2019 @ 22:05
By

Chinese national nagtangkang manuhol ng P200 idiniretso sa MPD Headquarters

Idiniretso ng tatlong tauhan ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang Chinese national na nagtangkang manuhol ng P200 sa isang traffic violation sa Escolta, Binondo, Maynila.

Inireklamo ng kasong bribery sa MPD-GAIS ang suspek na si Tianwang Hong, 42, taga Rm.1201-703 Regente St.Binondo,Maynila, ng mga MTPB Traffic Enforcers na sina Marilyn de la Rosa, Geoge Sam Honey at Rick Paul David.

Ayon kay dela Rosa, naganap ang insidente dakong alas 10:30 ng umaga sa nabanggit na lugar matapos nilang sitahin ang suspek dahil sa traffic violation na “passing thru red light”.

Tinangka umano silang suhulan ng suspek ng P200. Pero sa halip na tanggappin ay ipinaaresto ang chinese national.

Tinangka pa ng kasamahan ng suspek na magpalusot dahil ng ibinigay umanong P200 ay hindi suhol kundi bayad sa traffic violation.

Hindi lang umano nagkaintindihan ang mga taga MTPB at si Hong dahil hindi ito marunong magsalita ng tagalog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?