603

By

Chinese na nanaboy ng taho sa MRT-3, mahaharap sa kaso

Nahaharap sa reklamong direct assault at disobedience to a person in authority ang Intsik na namato ng taho sa isang pulis matapos siyang harangan na makapasok sa Metro Rail Transit 3 station dahil sa pagdadala ng naturang pagkain.

Kamakailan lang nang maghigpit ang MRT 3 sa seguridad partikular sa mga ipinapasok na liquid substance dahil sa sunod-sunod na pambobomba sa Mindanao.

Matapos ang insidente ay kinausap ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar si Jiale Zhang, 23, isang first year fashion design student.

Pinaliwanagan nito si Zhang na iniimplementa lang ni PO1 William Cristobal, na nangharang sa kanya na makapasok sa Boni Station sa Mandaluyong, ang polisiya ng pamunuan para umano sa proteksiyon ng mga mananakay at maiwasan ang insidente gaya ng pambobomba.

Sasailalim sa inquest proceedings sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office si Zhang.

Samantala, tinitingnan ng Department of Transportation ang posibilidad na mai-ban sa MRT 3 si Jiale.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?