1,585

By

Chinese na nagsaboy ng taho, hindi na dapat gawing isyu – Locsin

Sinagot ni Department of Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin ang suhestiyon ng isang netizen na ipa-deport ang Chinese na nag-viral dahil sa pananaboy nito ng taho sa isang pulis sa MRT-3.

Kinilala ang Chinese na si Jiale Zhang, 23, isang fashion design student.

Papasok umano ito sa MRT Boni station dakong alas-8:30 ng umaga nang harangin siya dahil sa may hawak siyang taho.

Ipinagbabawal ang anumang uri ng likido sa mga train station sa Metro Manila bilang seguridad matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ipinaliwanag umano kay Zhang ang regulasyon pero hindi umano ito sumunod at nagalit.

Dito na pumagitna si PO1 William Cristobal pero sinabuyan ito ni Zhang ng taho kaya siya inaresto.

Sa kanyang Twitter sinabi ni Locsin na hindi na dapat pang palakihin ang isyu dahil maaari naman itong mangyari sa iba at sa anumang bansa.

Ang non-issue umano na ginagawang isyu ay “pathetic”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?