94

By

Chinese na nagpaebak ng anak sa Boracay, kakalusin ni Puyat

Naglabas ng pahayag si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat hinggil sa viral video ng pagpapadumi ng isang Chinese woman sa kanyang anak sa Boracay.

Ani Puyat, hindi nila kukunsintihin ang sinumang lumabag sa batas.

Hinikayat din nito ang publiko na kapag nakakita ng kaparehong insidente ay agad na isumbong ito sa mga awtoridad para agad maaresto at mapagmulta.

Patuloy naman anila silang makikipag-ugnayan sa mga tour operator at travel agency para mapaalalahanan ang mga turista sa tamang travel etiquette kapag bumibisita sa bansa.

“This was an unfortunate incident but we will not tolerate those who violate the law. We encourage the public, who might witness similar incidents, to immediately report offenders to the proper authorities so that they can be promptly apprehended and fined accordingly,” ani Puyat.

“We will continue to coordinate with the tour operators and travel agencies in informing our tourists of the proper travel etiquette when visiting the Philippines and the corresponding fines and punishments if these are not followed,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?