107

By

Chinese na dinukot sa Makati, tukoy na

Batid na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng babaeng biktima na dinukot sa Paseo de Roxas, Makati City noong Disyembre 9.

Kinilala ni Makati Police Investigation Division chief Maj. Gideon Ines Jr., ang biktimang Chinese na si Zhou Mei, 28.

Ito’y matapos ang ginawang interview sa mga kaanak ni Zhou sa Makati Police Station.

Nakilala rin ang live-in partner ni Zhou na si Cheng Tangbin.

Nakita ang pangalan at address ni Cheng sa isang deed of sale document na narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Kapwa umano nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators sina Zhou at Cheng.

Ayon kay Ines, malamang na kakilala ni Zhou ang mga suspek dahil kusang-loob itong sumakay ng van pero ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula nang magsisisigaw ang biktima at pinipilit lumabas ng sasakyan pero bigo siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?