64

By

China tikom sa protesta ukol sa West Philippine Sea

Naghihintay ang Malacañang ng sagot mula sa China sa mga inihaing diplomatic protest ng gobyerno kaugnay sa mga aktibidad sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hanggang ngayon ay wala pang sinagot ni isa ang China sa mga ipinadalang note verbale’ ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Patuloy aniyang maghihintay ang gobyerno ng tugon mula sa China dahil hindi naman aniya maaaring piliting sumagot ang gobyerno ng China.

“We will wait for their official response and then act on it, one way or the other,” ani Panelo.

Maingat namang sinagot ni Panelo ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magpapasaklolo ang bansa sa Amerika sakaling patuloy na babalewalain ng China ang reklamo sa presensiya ng kanilang mga barko sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi ni Panelo na hintayin na lamang kung ano ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa naging pahayag ni Locsin.

“We will wait for the President’s decision with that,” ang maiksing pahayag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?