30

By

China-Russia sanib-puwersa sa gas pipeline

Naglunsad ng gas pipeline ang China at Russia na may habang mahigit 6,000 na kilometro.

Sa pamamagitan ng joint video conference nitong Lunes, nilunsad ang matagal nang planong energy partnership nina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin na tinawag na “Power of Siberia”.

Layon ng Russia na dalhin ang kanilang mayamang natural gas resources sa silangan habang ang China ang pinakamalaking energy consumer sa buong mundo at nangangailangan ng bagong supply sources para matugunan ang kanilang domestic demand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?