216

China, patuloy ang konstruksiyon sa West Philippine Sea

Matapos humupa ang tensiyon sa pinag-aagawang West Philippine Sea, abala naman ang China sa patuloy na pagtatayo ng mga istruktura nila sa lugar.

Ayon sa AP, isang satellite imagery ang lumabas na nagpapakita ng itinatayong istruktura ng China na sakop na ang 28 ektarya sa Spratly at Paracel islands para sa malaki nilang outposts na magiging air at naval bases umano nito.

Nasubaybayan umano ng Washington-based Asia Maritime Transparency Initiative ang kaganapang ito sa West Philippine Sea o South China Sea na pinag-aagawan ng ilang bansa sa Asya gaya ng Malaysia, Taiwan, Vietnam, Brunei kasama na ang Pilipinas.

Ayon dito, mayroon nang ginagawang hangars, underground storage, missile shelters, radar arrays at iba pang pasilidad ang China.

Ang pagkilos na ito ng China ay matapos ang negosasyon sa iba pang Southeast Asian nations sa ‘code of conduct’ para sa South China Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?