5,318

Apr 10, 2020 @ 11:41
By

China pagbayarin ng $6.5 trillion dahil sa COVID-19 pandemic

$6.5-trillion o nakakalulang P329.1-trillion ang dapat ibayad ng China government dahil sa perwisyong dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito’y ayon sa isang London based think tank na The Henry Jackson Society, dahil umano sa 10 pwedeng maikaso ng international court matapos na kumalat sa buong mundo ang COVID-19 na pumatay na sa lampas 60,000 katao sa buong mundo.

Ayon sa report ng The Henry Jackson Society na Coronavirus Compensation?, nasa $6.5 trillion ang nagastos ng G7 nation na kinabibilangan ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, the United Kingdom at United States, para makontrol ang nasabing virus.

Ilan umano sa naging paglabag ng China ay ang International Health Regulations, at pagtatago ng impormasyon ng bansa na ayon sa think tank ay kung nalaman ng ibang nasyon ay hindi na kakalat pa ang virus sa labas ng China.

Isa dito ay ang pagtatago ng human-to-human transmission ng China, na noong i-report sa World Health Organization ang virus noong December 31 ay sinabing walang ebidensya na naipapasa ito sa pagitan ng mga tao.

Saad pa ng Henry Jackson Society, imbes na imbestigahan ay kanila pang pinatahimik ang isang doktor na si Li Wenliang, ang unang medical practitioner na nakapansin ng nasabing virus at nagbigay ng babala ukol dito.

“In its early response, Wuhan and Hubei breached [International Health] Regulations…responsibility goes to the top of the regime. It appears more than probable that the Chinese Communist Party’s response to COVID-19 was in breach of international law,” saad ng think tank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?