1,064

By

Chin Chin Gutierrez, ganap nang madre

Fully consecrated nun na ang dating aktres na si Chin Chin Gutierrez.

Batay sa viral na Facebook post, “Sister Lourdes” na ang tawag sa dating actress-environmentalist.

Anak siya ng botanist na si Dr. Hermes Gutierrez at dating Franciscan nun-turned-painter na si Cecilia Arnaldo.

Ayon kay Chin Chin, lagi niyang nararamdaman ang tawag para magsilbi sa Panginoon.

Sinabi niya sa isang video interview ng Portraits in Faith sa YouTube, isa sa sign sa kanya para maglingkod sa Diyos ay nang hamunin siya ng kanyang philosophy professor sa college hinggil sa idea niya tungkol sa existence ng God.

Aniya, “Believe it or not, it actually touched a core in my being. The fact that we could question the existence of God in a very Catholic school. Maybe nobody noticed it, but I approached my professor and asked, ‘I know this is for the grade, but is anyone going to take care of my soul while I’m at it?’”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?