58
Chess, triathlon, eSports, basketball tatalakayin sa TOPS ‘Usapang Sports’
By

Chess, triathlon, eSports, basketball tatalakayin sa TOPS ‘Usapang Sports’

Sentro ng talakayan sa 37th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros ang GM Rosendo Balinas Memorial Cup Chess Championship, kampanya ng triathlon at eSports sa 30th Southeast Asian Games at ang Community Basketball Association (CBA) 18-under championship.

Ibabahagi nina Grandmaster Rogelio Antonio, Jr., John Paul Gomez at Darwin Laylo ang kanilang mga tsansa sa Balinas Memorial Chess sa Sept. 2-10 sa Alphaland Place sa Makati City.

Makakasama ng tatlong GM sina Engr. Tony Balinas, kapatid ni GM Balinas, at Dr. Jenny Mayor, presidente ng organizing Philippine Executive Chess Association (PECA).

Dadalo rin sa 10am session na handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks sina triathlon champion Maria Claire Adorna at Atty. Ronald Renta at Arniel Gutierrez ng Philippine National ESport League.

Ikukwento ni Adorna ang kanyang mga paghahanda sa SEA Games, World Beach Games 2019 sa Oktubre sa Doha, Qatar at Mt. Mayon Triathlon sa Legazpi nitong Agosto 19.

Magbibigay naman sina Renta at Gutierrez ng ilang update para sa qualifying tournament ng eSports events sa SEA Games.

Bibisita rin sina Russel Ynarez ng Binangonan Spartans at Elven Uy ng

Caloocan Hurricane Saints katuwang din si Cashalo, brand manager Roro Quijano.

Maghaharap ang Spartans at Saints sa CBA 18-under title best-of-three series na magsisimula sa Sabado, Agosto 31, sa Binangonan Plaza, alas-4 ng hapon.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga officer at member ng TOPS na dumalo sa session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?