26,745
Chel Diokno umarangkada sa survey kahit walang pera
By

Chel Diokno umarangkada sa survey kahit walang pera

Nagpasalamat si Chel Diokno sa mga sumusuporta sa kaniyang kandidatura matapos na umangat ang ranggo nito sa election poll.

Saad ni Diokno, ang improvement sa survey ay nakuha niya nang hindi gumagamit ng pera, makinarya o political dynasty ngunit aminado ito na mahabang laban pa ang kahaharapin bago ang eleksyon.

“Napakalaking pagbabago na ng posisyon natin sa survey. 44-62 noong isang taon, 22-27 na ngayon. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta, at sa mga napakasipag nating volunteers,” saad ni Diokno sa isang tweet.

“Para sa tulad kong wala namang pera, makinarya, o political dynasty, hindi ito posible kung hindi dahil sa inyo. Inaasahan ko ang patuloy ninyong suporta,”aniya.

Nangako si Diokno na ipaglalaban niya sa Senado ang patas na batas para sa lahat sakaling manalo sa darating na eleksyon.

“Mahaba pa ang laban na ito, ngunit lumalakas nang lumalakas ang sigaw ng bayan para sa katarungan. Iyan po ang ipaglalaban ko sa Senado: Patas na batas para sa lahat. Mayaman man o mahirap, pag may sala, may parusa. #DioknoSaSenado,” ani Diokno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?