40

By

Chedeng humina na, LPA na lang

Humina na ang tropical depression na si Chedeng at naging low pressure area (LPA) na lamang ito matapos mag landfall nitong Martes, Marso 19 ng umaga.

Nag landfall ang Chedeng sa Malita, Davao Occidental dakong 5:00 ng umaga, saad ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ganap na alas-7 ng umaga, naitala na huling namataan ang LPA sa Malungon, Sarangani.

Lahat ng storm signal ay ibinaba na ngunit nanatili pa rin ang orange rainfall warning sa mga lugar na Surigao del Sur, Agusan del Sur, South Cotabato, Davao Oriental, at Compostela Valley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?