93

By

Charter change inaprubahan ng House panel

Inaprubahan ng Committee on Constitutional Amendments ang apat na proposal para amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito’y pagkatapos maaprubahan ang 2020 national budget ng Kamara noong Disyembre 11.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng komite, kabilang sa inaprubahan sa executive session ang limang taon na termino para sa mga senador, kongresista at local executive na may maximum na tatlong consecutive terms.

Papayagan din ang Kongreso na i-adjust ang limitasyon sa foreign investments sa bansa sa pamamagitan ng legislation.

Magkakaroon din ng tandem voting para sa president at vice president.

Pinawi naman ni Rodriguez ang pangamba ng Makabayan bloc na delikado na i-adjust ang limitasyon sa foreign investments.

Aniya, panahon na para makahikayat ng maraming mamumuhunan sa bansa at lumaki ang koleksyong buwis ng gobyerno.

Depensa naman niya sa tandem voting para sa pangulo at pangalawang pangulo, ito aniya ay para masiguro na may pagkakasundo ang Office of the President at Office of the Vice President.

Saad naman niya sa pagdadagdag ng termino sa mga mambabatas, masyado aniyang maiksi ang tatlong taong termino para makapag-implementa ng mga proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?