45
Charcos, Altas taob sa Scorpions
By ,

Charcos, Altas taob sa Scorpions

Mga Laro sa Martes (Paco Arena):

2:00pm — Marinerong Pilipino vs. Cha Dao – FEU

4:00pm — AMA Online Education vs. Petron – Letran

Tinambakan ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions ang University of Perpetual Help Altas 90-65 para itarak ang ikalawang sunod na panalo sa Foundation Group ng 2019 PBA Developmental League Lunes sa Paco Arena sa Maynila.

Ariba agad sa tuktok ang Scorpions ni coach Derrick Pumaren at sinakmal ang tropa mula Las Piñas sa unang dalawang quarter.

“First of all, I would like to commend my coaches for scouting Perpetual well. We were able to anticipate what they were doing (and) it paid the things they (coaches) share to my players because of the scouting,” ani Pumaren.

Depensa rin ang naging susi sa tagumpay ng Scorpions dahil nagawa nilang malimitahan ang isa mga ace player ng Altas na si Jielo Razon sa walong puntos.

“I think we were able to defend them. It all starts in our defense and we were able to score each transition trying to attack them instead of trying tentative basketball,” dagdag nito.

Nagtuloy-tuloy ang pagbulusok ng Scorpions sa third at fourth canto sa tulong ni John Rojas at Ric Fuentes at hindi na nito hinayaan na makabangon at makanakaw pa ng momentum ang Altas.

Naging sandigan sa opensa ng CEU si Rojas na may 14 puntos at apat na rebounds habang bumakas ng double-double finish si Malick Diouf na may 12 puntos at 11 rebounds.

Bumira naman ng 17 puntos si Edgar Charcos para sa Altas, na ngayon ay may 0-2 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?