167

By

Chanyeol nag-reply, pinakilig ang Pinay Dancer

Nagselos ang netizens kay dancer at Youtuber Niana Guerrero nang mag-reply sa kanya ang EXO member na si Park Chan-yeol, Agosto 30.

Sa Youtube account ng kapatid at kapwa dancer ni Niana na si Ranz Kyle, pinost nila ang vlog ng kanilang pag-direct message sa 100 kilalang personalidad sa loob at labas ng bansa.

Ginawa umano ito ng dalawa upang malaman kung sino ang tutugon at sino ang mangsi-seenzone.

Gulantang ang mga tao, maging sina Ranz at Niana, nang sinagot ni Chanyeol ang babaeng dancer.

“I like your dance!! I learn a lot from your dance. Keep showing everyone a good dance!! Thanks for sending me a message. (emoji: nakangiting mukha),” tugon ni Chanyeol.

Finollow din ng EXO member ang Pinay.

Ilan pa sa mga sumagot sina Vanesha Prescilla, Gary Vay-Ner-Chuk, Senador Manny Pacquiao, Bailey May, Billy Crawford, Leon “Kida” Burns, at Mo Vlogs.

As of 11:32 ngayong umaga, nasa 365,625 views na ang nasabing video. Top 18 na rin ito sa trending sa Youtube Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?