83

More championships to come – Cone

Nadagdagan na naman ang titulo ng Ginebra at kasamang tumambak ang record na dami ng kampeonato ni coach Tim Cone.

Sa harap ng 54,086 paying patrons sa Philippine Arena sa Bocaue Biyernes ng gabi, iginupo ng Gin Kings ang Meralco 101-96 para siguruhing mananatili sa kanila ang championship trophy ng PBA Governors Cup.

Bolts din ang biktima ng Gins noong isang taon para makuha ang titulo.

Maari rin itong mahigitan pa, lalo na’t kung ang nasa finals ulit ay Ginebra at kalaban ang isa pa ding crowd drawer, tulad ng Star o San Miguel Beer.

Iyon ang isang bagay na ipinapangako ni Cone.

“I’ve always said, we didn’t come to Ginebra to win one championship,” sabi ni Cone matapos na gabayan ang Kings sa ika-10 titulo habang siya naman ay mayroon na ngayong 20 para tuloy pang lumayo sa all-time list mula sa namayapa nang alamat na si Virgilio “Baby” Dalupan, may 15.

“We always wanna win many championships. This is our job,” dagdag ni Cone.

“We’re not gonna stop here. We got more to get.”

Parang magtatayo lang ng panibagong dynasty ang Ginebra?

“After 8 long years, now we have TWO! More to come!! How sweet it is! Thank you, Ginebra for allowing me to be a part of an awesome family,” tweet ni Cone (@manilacone). (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?