63

By

Championship bout nina Nonito, Naoya malabo pa

Hindi takot si Nonito Donaire kay Naoya Inoue. Ang ikinatatakot ng Pinoy boxer, ang hindi matuloy ang kanilang upakan.

Una nang itinakda ang final match nina Donaire at Inoue sa World Boxing Super Series hunyo o Hulyo, pero matatapos na ang kasalukuyang buwan, wala paring schedule sa kanilang 12-round WBA ‘super’ world bantamweight championship fight.

“We want communication, because we do want to fight,” sabi ng Fil-Am fighter. “We do want to make things happen. But if that doesn’t work, then we’re willing to move on and make it happen some other time.”

Wala rin daw nakukuhang balita ang promoter ni Donaire na si Richard Schaefer patungkol sa pagkakaroon ng laban ng kanyang manlalaro.

“My promoter has talked to them, and they said they’ll get back to him,” sabi ni Nonito.

“But they haven’t. The last time that we heard from them was my wife’s birthday, June 21st. So, that’s pretty much it. We haven’t heard anything. And again, I love the opportunity that they’ve given me, fighting the best out there, making me world champion all over again. And I wanna fight. That’s all it is, just communicate and know exactly when I’ll fight and I’ll be there.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?