3,506

By

Champion na dapat? Foul ni Cousins kay Gasol, ‘di natawagan

Inamin ng NBA na dapat ay may dalawang free throw pang ibinigay kay Toronto center Marc Gasol sa krusyal na segundo ng Game 5 kung saan nanalo ang Golden State Warriors, 106-105.

sa Last Two Minute Report ng NBA, isinaad na hindi napituhan ng mga referee ang foul nang mag-drive si Gasol at humarang si GSW big man Demarcus Cousins.

49 segundo ang nalalabi sa laban nang mangyari iyon, lamang lang ng tatlo ang GSW, 106-103, na posibleng magpababa ng lamang sa isa at may mas malaking tsansa na maselyuhan ang kampeonato.

Sa laro, ilang turnover ang ginawa ni Cousins sa dulo, kasama ang isang offensive interference sa 3-point shot ni Steph Curry. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?