42

By

Chabi Yo, Tigers tinaob ang Tams

Balik-win column si Soulemane Chabi Yo at ang Santo Tomas Growling Tigers tapos ang come-from-behind victory 82-74 laban sa Far Eastern Tamaraws sa 82nd UAAP seniors basketball tournament 1st round elims Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.

Twin-twin na 21 points at 15 rebounds bukod pa sa isang assist ang tinabo ni Chabi Yo para masungkit ang panalo para sa UST sa pagbawi sa 78-71 loss sa Adamson Soaring Falcons nitong Miyerkoles at kapitan ang tersera sa 4-2 win-loss mark.

Ang Tamaraws ang nagdomina sa first 2 quarters bago lumabas ang bangis ng España-based driblers sa second half sa pamumuno nina Chabi Yo at Sherwin Concepcion na nagpaulan ng apat na three-point shots at makalayo ang kampo nila, 67-55.

Nabunutan ng tinik si Aldin Ayo sa pagtugon sa kanya ng mga tigre niya na pinutong sa Tams ang ikatlong talo at pinasama ito sa fifth spot kakartada La Salle Green Archers sa 2-3.

“They responded to my challenge na they have to show up,” suma ni USTe coach Aldin Ayo.

Umiskor si Concepcion ng 12 points; may 11 si Mark Nonoy kasama pa ang 6 rebounds, tig-1 assist at steal, may 11 puntos si Renzo Subido na may sahog ding 5 feeds assist, 1 board; at si Rhenz Abando ay naka-10 pts., 3 rebs, at 1 stl.

“Good way to bounce back yung last naming talo. Lahat ng mali namin sa last game, we took them out, we tried to correct those mistakes. I’m just grateful na we were able to adjust,” panapos ni Ayo.

Bitin ang 16, 14, 11 at 10 pts nina LJ Gonzales, Xyrus Torres, Barkley Ebona at Wendell Comboy para sa mga basketbolistang taga-Morayta na ‘di nasustena ang 66-55 upset win sa DLSU apat na araw pa lang ang nakakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?