616

By

Cesar Apolinario dating takatak boy bago naging batikang journalist

Matindi ang pinagdaanan ni Cesar Apolinario bago makatungtong sa harap ng kamera at maging ganap na reporter ng GMA-7.

Sa dating video ng GMA News TV noong 2015, nalaman na dati pa lang nagtrabaho bilang takatak boy, o ang nagbebenta ng candy at yosi sa lansangan, para lamang magkaroon ng pera pambaon sa school.

“Kahit mahirap yung pagtatakatak, kahit na nakakahiya, kailangang mag-ipon ng pambaon sa loob ng isang linggo para makapasok ako everyday,” ayon kay Apolinario.

Bukod pa dito, nagtrabaho rin si Apolinario sa Bahrain ng dalawang taon para naman makakuha ng sapat na pera pampaaral sa kolehiyo.

Nang makatungtong sa University of Santo Tomas ay tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bilang working student na naging tulay para makapasok sa TV production.

“Kami ang celebration namin ng nanay ko, sa lugawan lang. Sabi niya, ‘Saan mo ba gustong kumain, gusto mo ba sa restaurant?’ May pera siya noon eh. ‘Hindi ‘nay, gusto ko lang sa lugawan.’ Lugaw lang kami. ‘Yun ‘yung image, vivid image na nakikita ko, habang naglalakad ako. At ‘yun ‘yung time sabi ko sa sarili ko, hindi na magiging ganito ‘yung buhay ko,” pagsariwa ni Apolinario, na naging sikat na journalist, public affairs host at naging direktor din sa ilang indie film.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?