396
Ces Drilon nanganganib maaresto sa libel ni Fullido
By

Ces Drilon nanganganib maaresto sa libel ni Fullido

Nagbigay na ng go signal ang Quezon City (QC) Prosecutor’s Office sa libel complaints laban kina Cecilia Oreña Drilon, Marie Milagros Lozano at Venancio Borromeo ng ABS-CBN matapos paboran ang motion for reconsideration ni anchor Gretchen Fullido.

Sa hiwalay na resolusyon, nakitaan ni Chief Prosecutor Vimar Barcellano ng probable cause para kasuhan sina Drilon, Lozano at Borromeo ng libelo.

Aniya, ang tatlo ay umakto “in bad faith” nang mag-isyu ang mga ito ng libelous statements sa internal investigation ng ABS-CBN hinggil sa sexual harassment complaint na inihain ni Fullido laban sa dating news executive na sina Cheryl Favila at news segment producer Maricar Asprec.

Ayon sa abogado ni Fullido na si Marvin Aceron, naghain ng reklamong libelo laban kina Drilon, Lozano at Borromeo dahil sa umano’y pagkasira ng reputasyon ng una nang tumestigo ang mga ito sa sexual harassment case niya noong 2017.

Dahil nakitaan ng probable cause ang reklamo ni Fullido, inirekomenda ng prosecutor ang paglabas ng warrants of arrest laban sa tatlong akusado kasabay ng pagsasampa ng libel case sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?