17

By

Ceres-Negros umeskapo vs Shan United

Umeskapo ang kampo ng Ceres-Negros Football Club nitong Martes ng gabi kontra Myanmar’s Shan United FC, 3-2, sa 39th Asian Football Confederation Champions League Preliminary Stage sa Rizal Memorial Track-Football Stadium sa Malate, Manila.

Unang limang minuto pa lang ng laban nang maka-goal na si Robert Lopez-Mendy para sa Pilipino squad.

Nasundan pa ang bentahe ng Busmen nang makahirit si Bienve Marañon sa ika-40 minuto ng sipaan.

‘Di naman nagpahuli ang Shan United sa goal si Zin Min Tun sa 73rd minute, 2-1.

Nilayo naman ni OJ Portera ng Ceres-Negros ang kalamangan sa panig ng mga Pinoy, 3-1 nang maka-iskor ito sa ika-79 na minuto.

Humirit pa ng isang goal si Maximin Djawa para sa Myanmar soccer club sa ika-88 minuto para dumikit, 3-2. Pero doon na tumiklop ang laban at umabante ang mga Pinoy sa stage two prelims sa pagharap sa Thailand’s Port FC sa darating na Enero 21. (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?