108

By

Cellphone na nahulog sa dagat, naibalik ng balyena sa may-ari

Naibalik ng isang white whale ang iPhone na nahulog habang nasa bangka ang may-ari nito sa Norway.

Narekober ng Beluga whale ang cellphone sa karagatan ng Hammerfest harbour noong Lunes.

Kasama umano ni Isa Opdahl sa bangka ang kaniyang mga kaibigan sa Hammerfest harbour nang mahulog sa dagat ang cellphone.

Nakunan ang pag-ahon ng balyena mula sa dagat na dala sa kaniyang bibig ang cellphone.

Nakakatuwang pangyayari nang ibalik na ng balyena ang iPhone sa may-ari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?