2,981

By

Celebrity doctor Joel Mendez, 7-taon kulong dahil sa SSS

Pitong taong pagkabilanggo ang inihatol ng Court of Appeals (CA) sa celebrity dermatologist na si Joel Mendez matapos ang hindi pag-remit ng aabot sa P1.8 milyong kontribusyon sa Social Security System (SSS) para sa kanyang mga empleyado.

Ito ay base sa desisyon ng dating Special Eight Division ng appellate court sa naunang hatol ng mababang hukuman kay Mendez na pitong taong pagkabilanggo.

Apela naman ni Mendez na hindi siya naabisuhan sa mga bayarin at ang hindi pagdalo sa mga hearing schedule ay hindi ipinaalam umano ng kanyang abogado.

Subalit sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon, iginiit ng korte na gusto lamang ni Mendez na gamitin ang teknikalidad at walang kaugnayan sa kaso na kung saan ang tungkulin ng isang kliyente na makipag-ugnayan sa kanyang abogado kaugnay ng takbo ng kanyang kaso na tila naisasantabi ng celebrity doctor.

Base sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court, pinagbabayad din si Mendez ng P1.8 milyon sa SSS para sa unremmited contributions mula Oktubre 2011 hanggang Enero 2013 ng kanyang mga empleyado.

Matatandaang una nang naaresto si Mendez noong Hulyo 12, 2018 kaugnay ng kasong rape at attempted rape na kung saan ay nakulong ito sa Mandaluyong police station matapos hainan ng warrant of arrest subalit nagbayad din ng piyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?