634

By

Celebrities nalungkot sa pagpanaw ni Bentong

Kanya-kanyang post ng kanilang pakikiramay sa pagyao ng komedyanteng si “Bentong” ang mga celebrity.

Kaninang umaga (Pebrero 9) pumanaw ang kilalang Filipino comedian na Domingo Vusotros Brotamante Jr., ang tunay na pangalan, sa edad na 55.

Kinumpirma ng ilang kaanak ni Bentong ang pagyao nito sa Fairview General Hospital pero hindi malinaw ang sanhi ng ikinamatay nito.

Ayon sa balita, dahil umano ito sa kumplikasyon nito sa diabetes.

Maliban sa pagiging komedyante, nakilala rin si Bentong sa pagko-co-host sa dating noontime show ng ABS-CBN na MTB kasama sina Randy Santiago, John Estrada at Willie Revillame.

Narito ang ilang celebs na inalala si Bentong.

View this post on Instagram

Mamimiss kita Bentong.. salamat sa lahat

A post shared by direkbobot (@direkbobot) on

View this post on Instagram

Rest in peace kuya bentong.. 😢

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?