54

Mar 20, 2020 @ 9:19
By

CEGP: Pondo sa ‘Oplan Tokhang’ ilipat sa coronavirus crisis

Naghain ng petisyon ang College Editors Guild of the Philippines sa administrasyong Duterte na ilipat ang P546 milyong pondo nito sa Oplan Tokhang sa pangangalaga ng kalusugan.

Sa isang petisyong sinimulan ng change.org nitong March 20, 2020, nanawagan ang CEGP na ilipat na rin ang P4.5 bilyong pondo ng Office of the President at ang P36.4 bilyong pondo ng National Task Force sa kalusugan.

“Sa ilalim ng COVID-19 outbreak at panganib na dulot nito sa buhay at kabuhayan ng taumbayan, kailangan nating magkaisa-kailangan natin ng mga kongkretong hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan,” sabi ng CEGP.

Pitong hakbang ang nais ng CEGP:
1.Pagpapatupad ng solusyong medical tulad ng libre at maramihang COVID19 testing tulad ng ginawa sa South Korea at itigil ang solusyong military tulad ng malawakang lockdown.

2.Suportahan ang mga lokal na scientists, frontline healthworkers at mga professionals at ibigay ang pangangailangan nila tulad ng face masks, alcohol, gwantes, at magpagawa ng mga pasilidad sa mga komunidad tulad ng mass disinfection o wash areas

3.Tiyakin ang kaligtasan at kabuhayan ng mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sector

4.Paglipat ng mahigit P46 bilyong pondo sa kalusugan at bumuo ng crisis center na binubuo ng mga doctor, scientists at nutrition specialists at hindi mga pulis at military

5.Tutulan ang taas presyo sa panahon ng krisis pangkalusugan

6.Tiyakin ang suplay ng pagkain, gamot at basic necessities

7.At tiyakin na abot kaya at tuloy tuloy ang suplay ng tubig, kuryente at iba pang mga serbisyo.

Sinimulan ng CEGP ang petisyon nung March 15 at nakakalap na ito ng 11,246 na pirma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?