76
CebuPac hindi parurusahan sa mga kinanselang flight
By

CebuPac hindi parurusahan sa mga kinanselang flight

Ligtas sa pananagutan ang Cebu Pacific sa kabila ng mahigit 100 flight na kinansela nito noong Abril, batay sa ruling ng Civil Aeronautics Board (CAB).

Sa inilabas ng pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sa kabila umano ng kanselasyon ng mga flight, nagawa namang matugunan nang maayos ng Cebu Pacific ang mga concern ng naapektuhang mga pasahero.

“Thus, imposition of penalties was not considered at present,” saad ng DOTr.

Matatandaang noong Abril 28 hanggang Mayo 10, umabot sa 172 one-way domestic flights ang kinansela ng kumpanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?