48

Mar 25, 2020 @ 21:27
By

Cebu magpapatupad ng lockdown

Nakaamba na ang lockdown sa buong lalawigan ng Cebu nitong linggo.

Ayon kay Governor Gwendolyn Garcia, nakatakda siyang mag-isyu ng executive order na nagdedeklara ng lockdown matapos niyang makipag-meeting sa mga town at city mayor sa Marso 26.

Ito’y matapos ang anunsiyo ng Department of Health tungkol sa presumptive positive cases ng COVID-19 sa Cebu at Lapu-Lapu.

Mayroon nang isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?