32
rape
By

Cebu lilinisin sa mga rapist ng bagong police chief

Prayoridad ng bagong director ng Cebu City Police Office na si Police Colonel Gemma Cruz Vinluan ang kampanya laban sa rape.

Aniya, hindi umano masyadong napapansin ang rape kaya kahit man lang sa Cebu, gusto niyang malinis ito sa mga rapist.

Sisimulan nila ang kampanya sa mga eskuwelahan dahil karamihan aniya ng mga biktima ay mga bata at mahihina.

Magkakaroon din sila ng information campaign sa iba’t ibang uri ng child abuse kabilang na ang child exploitation, battering at rape.

Papalitan ni Vinluan si retired Police Colonel Royina Garma, na tinanggap ang General Manager post sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Naging hepe ng Women and Children Protection Center sa Luzon si Vinluan bago naitalaga sa Cebu.

Magugunitang sa Lapu-Lapu City, Cebu nangyari ang brutal na pagpaslang sa 17-anyos na Grade 9 student na si Christine Lee Silawan, na bukod sa ginahasa, binalatan pa ang mukha nito at tinanggalan ng laman-loob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?