123

By

Cebu isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Buong lalawigan ng Cebu ay inilagay sa state of calamity dahil sa naging epekto ng El Niño sa mga pananim.

Ayon sa ulat, inaprubahan din ang pagpapalabas ng P59 milyon para sa relief and assistance sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagbabala ang PAGASA sa epekto ng El Niño kung saan dahil sa kakulangan ng ulan ay maraming lalawigan na ang pinapahirapan ng dry spell o tagtuyot.

Umabot na sa P4.6 milyon ang nasirang pananim sa mga sakahan sa Cebu City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?