33

Mar 26, 2020 @ 7:38
By

Cebu governor pumatol sa campus media

Tinabla ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ang isang college media, na sinabing sinusubukang takutin ng una ang mga mamamayan sa patakaran nitong hahanapin ang mga kritiko ng gobyerno.

Nag-atas kasi ang gobernador ng special unit upang mahanap ang mga indibidwal na magpo-post ng negatibong sentimyento tungkol sa mga hakbang ng gobyerno sa pandemya na COVID-19.

Sa kanilang editoryal na pinamagatang “A GOVERNOR IS NOT ABOVE THE CONSTITUTION,” Marso 24, 2020, giniit ng Today’s Carolinian ng University of San Carlos na mahaharangan ng utos ni Garcia ang kalayaan ng mga Cebuano na nakasaad mismo sa Konstitusyon 1987.

“We remind the governor that defamation laws particularly exclude criticism of public figures as such is vital to any functional democracy,” parte ng winika ng campus media.

Sa kanyang tugon, inanyayaan ng gobernador sa kanyang tanggapan ang Editor in Chief ng pahayagan na si Berns Mitra, at sinabing doon magpaliwanag ang huli sa naturang pahayag ukol sa kanyang hakbang at desisyon.

“An educational discourse might bean some light into your clearly uninformed mind that thas hastily jumped to an erroneous conclusion,” bahagi ng sinabi ni Garcia, sa screenshot ng CDN Digital.

Una rito, sinita ni Garcia si rapper Brandon Perang (“Boy Pakyu”) dahil sa pagmumura nito sa gobyerno kaugnay sa mga patakaran sa COVID-19.

Sabi ng huli, naglunsad sila ng rap battle kahit may curfew at bawal ang mga pagtitipon. Humingi na ito ng tawad sa naunang pahayag.

Gayunman, sinabi ng gobernador na maghahain pa rin siya ng reklamo sa paglabag ni Perang ng Cebu Provincial Ordinance 2020-02.

Pinauwi ang rapper dahil walang ligal na dahilan para idetene ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?