210

CDO chairman Pepe Ong pumanaw na

Sa edad na 78, sumakabilang-buhay na nitong Huwebes ng umaga ang chairman at co-founder ng CDO Foodsphere, Inc. na si Jose “Pepe” Ong.

Inanunsiyo ito ng nasabing kompanya sa Facebook.

“Boss Pepe, as we fondly called him, was a loving father not just to his immediate family, but also to his CDO Foodsphere family. He was our coach, our rock — always inspiring us with his pioneering ideas, his passion and resilience; always there to remind us that nothing is impossible,” hayag ng nasabing meat processing company.

“Salamat po, Boss Pepe, sa inyong paggabay sa amin; hindi namin makakalimutan ang lahat ng inyong itinuro. Ika’y mananatili sa puso naming lahat,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?