36
CDM Ramirez ipinakita ang mga SEAG venue
By

CDM Ramirez ipinakita ang mga SEAG venue

Binisita nina Team Philippines Chef de Mission William I. Ramirez kasama sina Deputy Chefs de Mission Stephen Fernandez, Mon Fernandez, Charles Maxey at Arnold Agustin ang mga ginagawang competition venues para sa isasagawa na 30th Southeast Asian Games sa Subic, Zambales at New Clark City sa Capas, Tarlac nitong Martes.

Unang binisita nina Ramirez ang Subic Boardwalk na lugar para sa Triathlon, Duathlon, Open Water Swim at Modern Pentathlon bago pumunta sa Subic covered court gym na paggaganapan ng Sepak Takraw at Subic Tennis Courts na siyang magho-host sa beach handball at beach volleyball.

Binisita din ng delegasyon ang Subic Bay Exhibition and Convention Center (SBECC) na paglalaruan ng Muay, Pencak Silat at Table Tennis events. “We are thankful to the President for supporting Philippine sports,” sabi ni Ramirez.

Huling dinalaw ng grupo ang New Clark City na kinabibilangan ng Athletics Stadium at Aquatic Center na nakatakda na sertipikahan ng IAAF at FINA sa katapusan ng buwan bilang Class 1 sports venues.

“We will continue to update the President, through Executive Secretary Salvador Medialdea and Committee on Sports Chairman Sen. Bong Go on the developments of these competition venues in both Subic and Clark,” sabi ni Ramirez.

Tampok naman sa Athletes Village ang kabuuang 525 kuwarto na may 2,100 higaan para sa mga atleta na magbubukas sa Nobyembre 30.

Ang ibang sports na gagawin sa North Luzon ay ang Sailing, Windsurfing, Arnis, Sambo, Wrestling, Dancesport, Athletics, Aquatics at Chess.

Kabuuang 530 events sa 57 sports at dalawang demonstration ang gaganapin sa ika-30 edisyon ng SEA Games na gaganapin simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?