342
Morales pinapasok sa HK pero nagdesisyon na umuwi – Locsin
Nov 16, 2019 @ 13:50
By

CBCP president tinawag na ‘moron’ ni Locsin

Binanatan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valles.

Sa Twitter, tinawag ng opisyal na “moron in a white Mu-Mu” si Valles matapos manawagan ng prayers ang huli para kay Vice President Leni Robredo.

Ani Locsin, dapat magpasalamat si Valles kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil kung wala ito ay mai-stuck lang ang Bise Presidente sa mga “retarded” na tagasuporta nito at church idiots na katulad ng una.

“Say Thank You to the President you moron in a white Mu-Mu. Without him, she’d be stuck with her retarded retinue and ecclesiastical idiots like you,” tweet ni Locsin noong Biyernes.

“How did you pass theology? You’re a disgrace to what is supposed to be the world’s most intellectual religion,” dagdag pa niya.

Nanawagan si Valles ng dasal para kay Robredo matapos tanggapin ang posisyon bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?