53

Oct 26, 2019 @ 13:42
By

CBCP official nadisgrasya sa pagsalpok ng bus sa Egypt

23 katao, kasama ang isang opisyal mula sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), ang nasangkot sa aksidente sa kanilang sinasakyang bus sa Sinai, Egypt.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Assistant Secretary Eduardo Muñez na isa si CBCP Secretary Genetal Fr. Marvin Mejia sa mga sugatan sa pagsalpok ng bus na patungo sana sa Israeli border.

Bukod kay Fr. Mejia, ilan pang Pinoy at Fil-Am ang sakay ng nasabing bus.

“The extent of the injuries suffered by the Filipinos range from bruises to broken bones, and most of them have been discharged from the hospital in Sharm-el-Sheik (in Egypt),” saad pa ni Muñez.

Nakaligtas naman sa kapahamakan si Fr. Mejia at babalik sa ‘Pinas sa mga susunod na araw.

Wala namang lubhang napuruhan sa insidente at karamihan sa mga biktima ay papauwiin na sa mga susunod na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?