118

Jul 20, 2019 @ 15:31
By

CBCP ‘di makapaniwala sa ilang obispo na kinasuhan dahil sa ‘Bikoy’ videos

Ikinalungkot ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Romulo Valles ang pagkakadawit ng ilang obispo sa sedition case na isinampa kaugnay ng mga narco video.

Ito’y may kinalaman sa isinampang kasong sedisyon ng Philippine National Police-Criminal and Detection Investigation Group laban kay Vice President Leni Robredo at 35 pang indibiduwal kabilang ang ilang obispo dahil sa mga “Ang Totoong Narcolist” video.

Kabilang sa sedition complaint sina Caloocan Bishop at CBCP Vice President Pablo Virgilio David, dating CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, retired Novaliches Archbishop Teodoro Bacani Jr. at Cubao Bishop Honesto Ongtioco.

“They may be perceived as very vocal and very critical in their pronouncements. But that they consciously worked promoting seditious activities and other related crimes, these honestly I cannot believe,” wika ni Valles sa nilabas na statement.

Sa kabila nito, patuloy umano niyang ipagdarasal ang mga nadawit na obispo, na sana’y maging kalmado dahil sa huli mapapatunayan ding inosente ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?