40

By

CBA: San Juan, Bicol brasuhan sa korona

Asahan ang mainit na bakbakan sa hard court sa pagitan ng National Capital Region champions San Juan Knights Exile kontra Bicol titlist na Naga Water Borne para sa championship ng Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Cup na gaganapin sa Lunes kasama pa ang P1-million cash prize.

Ayon kay CBA founding president Carlo Maceda, magiging matindi ang paghaharap sa pagitan ng Knights Exile at Water Borne para wakasan ang three-month long, community-based tournament na ginanap sa iba’t ibang lugar ng bansa.

“We expect a good fight between San Juan and Naga for the bragging rights to become the first-ever CBA national champion and the P1-million prize,” pahayag ni Maceda sa 30th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“This is the product of all the hard work of the CBA and the men and women behind it, as well as the team owners, coaches and players and their respective LGUS and sponsors,” dagdag pa nito sa weekly sports forum n aka-partner ang Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at CBA.

Kumpiyansa naman si San Juan first assistant coach Yong Garcia na kayang magkampeon ng koponan sa championship game sa Lunes, alas-5 ng hapon sa San Juan gym.

“In basketball, home court advantage is a big factor. Iba ‘yung maglalaro ka sa harap ng mga fan at taga-suporta mo,” saad ni Garcia, na humalili kay head coach Randy Alcantara sa sports forum na pinalabas sa Facebook live via Glitter Livestream.

Dagdag pa ni Garcia na head coach ng Marinerong Pilipino sa PBA D-League, “I’m sure they have already scouted our team and they know most of our players. Pero sila hindi namin kabisado.”

Tiwala rin si San Juan team governor Chris Conwi na handa ang koponan sa sagupaan kontra Naga.

“We’re not taking any chances. We’re bringing back at least five players from our San Juan team which topped the recent MPBL Cup,“ sabi ni Conwi, na kasama rin si top player Jhonard Clarito.

“Since the MBA days, San Juan has maintained a positive image in basketball. Laging nananalo. We did it in the MPBL. We’ll try to do it again in the CBA.”

Ibubuhos naman ni Clarito, na naglaro para sa De Ocampo Memorial Colleges sa NAASACU, ang lahat ng makakaya upang pangunahan ang Knights sa kampeonato.

“Sisikapin namin na mag-champion uli. Matagal na din naman ang pinagsamahan ng team at tiwala kami sa coaching staff,” saad ni Clarito, na inaasam na makasali sa PBA Rookie Draft sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?