114

By

Cayetano umamin sa kapalpakan, nag-sorry kay Duterte – Go

Personal umanong humingi ng paumanhin si Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naging aberya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, ayon kay Senador Bong Go.

Ayon kay Go, personal na nag-sorry si Cayetano pagdating ng Pangulo sa Philippine Arena para sa opening ceremony ng SEA Games Sabado ng gabi.

Aminado aniya si Cayetano sa mga kapalpakan sa SEA Games.

“Pagbaba pa lang ni Pangulo sa sasakyan, humingi siya (Cayetano) ng paumanhin sa mga pagkukulang at mga konting kapalpakan. Sabi niya, hopefully Mr. President, makaraos tayo at maayos lahat ng ito after the opening,” saad ni Go sa dzbb.

Sa kabila naman aniya na maganda ang naging pagbubukas ng SEA Games ay hindi ibig sabihin na wala nang gagawing imbestigasyon.

“Kung kailangan talaga na magkaroon tayo ng imbestigasyon, kung nagamit ba sa tama at walang nasayang na pondo na ibinigay sa Southeast Asian Games, mahalaga malaman ng bawat Pilipino na wala bang nasayang ni piso,” wika ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?