764

Feb 25, 2020 @ 10:59
By

‘Cayetano traydor, ingrato sa ABS-CBN’

Para sa mga netizen, ingrato at walang utang na loob si House Speaker Alan Peter Cayetano gayong maraming naitulong sa pamilya nito ang ABS-CBN.

Kahapon, Pebrero 24, 2020, nilantad ng mambabatas na may ebidensiya umanong hawak ang Kamara na magpapatunay na lumabag ang TV giant at kumiling sa ilang kandidato noong Halalan 2016.

Sinabi niya ring marami pang mabubunyag oras na simulan ng Kamara ang pagdinig nito ukol sa mga panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, na mapapaso na ngayong taon.

Sabi ni Twitter user Harvey Keh: “You know whats really sad? Pag hindi dahil sa ABS-CBN wala sanang Cayetano ang nasa Senado o Kongreso ngayon. It was ABS-CBN who introduced Alan Peter’s dad, Companero Rene Cayetano to the nation by giving him a show in the 90s. Ngayon, ito igaganti ni Cayetano sa kanila.”

Hayag naman ni Juvy Enrile: “I am really disappointed on this person because I love the humbleness of the late Sen. Rene Cayetano and I knew him as Companero. And please, let us not forget that his brother, Mayor Lito Cayetano, is a former director in ABS-CBN. The nerve to even say “sipsip”. Back to you po!”

Wika naman ni Jessie Severino: “Traidor yan si Cayetano. Si PNoy din ang tumulong sa kanya sa politika. Kung sasn makikinabsng si Cayetano, doon siya kakapit. #BoyKaldero”

Sambit ni Pinoy si Wowie: “ingrato naman si alan cayetano. para sa ambisyon at kasakiman, tatapakan niya kahit yung mga nakatulong sa kanya. tingnan ang ginawa sa LP at ngayon sa ABS. he’s a parasite. #CayetanoResign #InvestigateCayetanoCauldron”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?