131

Feb 27, 2020 @ 15:08
By

Cayetano masyadong mababaw – Drilon

Tila may kababawan kaya ayaw patulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang patutsada ni Speaker Alan Peter Cayetano na “sipsip” at “epal” ang mga senador na dumalo sa pagdinig sa franchise bill ng ABS-CBN.

Ayon kay Drilon, alam naman aniya ni Cayetano ang principle ng inter-parliamentary courtesy kung saan nagrerespetuhan ang dalawang kapulungan ng Kongreso subalit hindi umano sila bababa sa lebel nito.

“We will not go down to that level of characterization, of calling a co-equal branch sipsip. We would like to think that Speaker Cayetano knows the principle of inter-parliamentary courtesy, wherein we respect each other’s process,” sabi ni Drilon sa panayam sa CNN kahapon.

Malinaw naman aniya na nakasaad sa resolusyon ng Senado na didinggin lang nila ang ABS-CBN franchise subalit hindi aaktuhan hangga’t hindi nakakapagpasa ang Kamara ng sarili niyang bersiyon ng panukala.

“It has been made clear that we are hearing a resolution extending for a short period of time the franchise of ABS-CBN but we will not act on it until the HoR passes a similar measure,” ayon kay Drilon.

Kaugnay nito, umaasa naman si Drilon na hindi mag-iisyu ang Korte Suprema ng gag order laban sa ABS-CBN na may kaugnayan sa quo warranto petition na inihain ng Office of Solicitor General para sa kanselasyon ng prangkisa ng network.

“I think the Supreme Court will think deeply before they allow a gag order because this is very basic. We are a co-equal branch. There are Supreme Court decisions which said that no court can issue a gag order, because when we investigate, it is of different nature than that of the judiciary,” sabi ni Drilon.

“We investigate in aid of legislation to enable us to craft policies. The SC would investigate in order to adjudicate competing rights. Magkaiba po. I think, hopefully, the SC will not issue a gag order,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?