49

Feb 15, 2020 @ 15:54
By

Cayetano kontra sa kaso ni Calida vs ABS-CBN

Hinikayat na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kritiko at supporter ng ABS-CBN na ipadala sa Kamara ang kanilang position paper at komento kaugnay sa nakabinbing panukalang may kinalaman sa renewal ng prangkisa ng naturang TV network.

Sa pamamagitan umano nito ay magkaroon umano ang Kapulugan ng dagdag na gabay at basehan para makabuo ng isang patas at makatarungan desisyon.

Ang hakbang na ito ni Cayetano ay kasunod na rin sa ipinahayag niyang katiyakan na magiging patas ang Kapulungan sa pag-aksiyon ukol sa naturang usapin.

Ayon pa sa House Leader, patuloy ang kanyang pagmomonitor sa mga komento sa social media at maging mainstream media sa mga pabor o tutol sa pagrenew sa prangkisa ng TV network.

“So, what I request is we join the issues. All those opposed to renewing the franchise, submit your comments to the House committee on legislative franchises, which will forward these to ABS-CBN so they can already respond. That’s the way our democracy works,” ayon kay Cayetano.

Aminado naman si Cayetano na bagamat sa kabilang banda ay hindi siya komporme sa paghain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition laban sa TV network sa Supreme Court ngunit nagbukas naman umano ito sa publiko upang pag-usapan.

“On one hand, I would rather the SolGen did not file it. But on the other hand, at least, people are now talking about the issues. As for me, I am open-minded. I have read the reply of ABS-CBN to the SolGen and I am waiting for their official comment,” ayon pa kay Cayetano.

Kasabay nito, nilinawa ni Cayetano, hindi kailanman mamatay ang kalayaan ng pamamahayag o press freedom hindi man ma-renew ang broadcasting privilege ng naturang TV station.

Naunawaan umano niya ang pagkabahala ilang mga lumalaban at paninindgan sa press freedom.

Ngunit giit pa ni Cayetano, ang usapin ito ay hindi isang ‘open-close case of press freedom’, kundi ito’y usapin ng pananagutan sa kasalukuyang batas partikular ang election laws.

“Personally, that’s what I want to hear when the hearings are held, what reforms ABS-CBN will undertake to address their perceived bias and alleged violations of their franchise,” dagdag ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?