1,936

By

Cayetano kay Noynoy: Nakalimutan mo ba ang P10B para sa APEC?

Ibinalik ni Speaker Alan Peter Cayetano ang pangbabatikos kay dating Pangulong Benigno Aquino III matapos pangaralan ng huli ang gobyerno tungkol sa budget prioritization.

Kaugnay ang pangangaral ni Aquino sa kontrobersiyang nilikha ng P50 milyong halaga ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games stadium cauldron.

Ani Cayetano, nakapagpatayo sana ang Aquino administration ng 10,000 classrooms sa bilyong budget na inilaan sa pagho-host ng bansa sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong 2015.

Binunyag din ni Cayetano na kinausap sila ni Aquino para hindi kuwestiyunin ang P10 bilyong budget sa APEC.

“Nakalimutan niya (Aquino) na kinausap niya ako nung ako ay Majority Leader sa Senado at nakita ko sa budget, 10 billion pesos para sa APEC… At ano ang sabi niya sa amin? ‘Wag kayong mag-ingay before and during, dahil lahat ng bansa, international press, nandito’,” pagsariwa ng Taguig-Pateros representative.

“Ilan ba ang dapat nagawang classroom kung hindi natin hinost ang APEC? 10,000 classrooms, tapos… P50 million, titirahin nila… Namamahalan kayo sa P50 million, pero sa P10 billion, okay lang sa inyo,” giit pa ni Cayetano.

“Nalulungkot po talaga ko nung napanood ko ang ating dating Pangulong Aquino na nagpa-interview yesterday. Bakit? E, first of all, nag-announce sila nung Tuesday ng ceasefire. Sabi nila, para sa mga atleta, para sa ating bansa,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?