420

Mar 24, 2020 @ 18:33
By

Cayetano inokray ni Ethel: Mas busy ka kay Kobe, kaysa COVID

Hindi na-impress si Ethel Booba sa paandar ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Kamara nitong Martes.

Inokray ng komedyana si Cayetano sa photo op nitong Marso 24 sa isinagawang special session kung saan may hawak ang kongresista kasama si Executive Sec. Salvador Medialdea ng manila paper na may nakasulat na “Together with doctors and frontliners, we went to work for you, so please stay home for us!”

Ani Booba sa kanyang tweet, “Chusera eh busy ka nga kay Kobe kesa sa Covid. Charot!”


Magugunitang maraming kumuwestiyon sa paglulunsad sa Kamara ng exhibit para sa pumanaw na NBA legend na si Kobe Bryant na hindi naman aniya Pilipino o pambansang bayani.

@gilbertus66: “Nangyari? Kumita na naman. Anumang gastos ng kamara, malamang may kickback. Kaya inuna exhibit ni kobe kesa sa mga isyu ng bayan… At dahil dito, pumuntos ang bunGo laban kay Kawatano.”

“Pilipino ba si Kobe? Pambansang bayani? Congressman? Bakit may exhibit sa Congress? Shit what a waste of taxpayers time and money,” giit ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?